MARTINATICS OFFICIAL FORUM
MARTINATICS OFFICIAL FORUM

Simply Captivated Martinatics OFFICIAL fansclub is a group for SOLID supporters of Martin del Rosario.
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Martin del Rosario says he will be working on a TV project that will cast him as the male lead. It's a "light" drama.

Go down 
AuthorMessage
ADMIN
Admin
avatar

Posts : 104
Points : 341
Reputation : 1
Join date : 2010-07-12
Age : 26

PostSubject: Martin del Rosario says he will be working on a TV project that will cast him as the male lead. It's a "light" drama.    Mon Nov 07, 2011 11:11 pm

Martin del Rosario says he will be working on a TV project that will cast him as the male lead. It's a "light" drama.



Isang thanksgiving celebration ang idinaos para kay Martin del Rosario kagabi, August 25, sa R Bistro sa may Timog, Quezon City.

Ito'y dahil sa patuloy na pagdating ng blessings sa kanyang showbiz career, particular na ang magandang resulta ng katatapos na drama series na Minsan Lang Kita Iibigin, na masasabing biggest break ni Martin sa telebisyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), aminado ang Kapamilya newbie na malaki ang naitulong sa kanya ng ABS-CBN serye na tinampukan nina Coco Martin, Lorna Tolentino, Amy Austria, at iba pa.

"Talagang sobrang nagpapasalamat ako sa pagkakasali ko sa Minsan Lang Kita Iibigin dahil doon ako nakilala.

"And bukod sa iyong show ay napakaganda talaga na inabangan talaga ng maraming tao.

"Iyong mga kasama kong artista roon, ang gagaling talaga at natuto ako sa kanila.

"So, sa tingin ko, dahil doon ay mas napansin ako. In fairness sa show, binigyan talaga nila ako ng break kahit ako ang pinakabago roon.

"Kaya may mga weeks na may mga confrontation scenes din ako roon," ang mahaba at masayang panimula ni Martin.

Utang na loob daw niya ang kanyang career sa Kapamilya network.

Aniya, "Kaya po nagpapasalamat ako nang sobra-sobra sa ABS-CBN dahil ngayon talaga, lalo na this year, sobrang dami ng blessings."

Natutuwa rin siya dahil naging mabait ang mga co-stars sa baguhang tulad niya.

"Pinaka-close ako kina Coco at Andi [Eigenmann] dahil lahat halos ng eksena ko roon ay sa kanila," ang kuwento pa niya.

Kilalang magaling na aktor si Coco, hindi ba siya nailang sa mga eksena nila?

"Actually, noong nalaman ko na part ako ng show, hindi lang kay Coco ako natakot kundi sa buong cast dahil lahat sila, ang gagaling talaga, e. Kaya ang ginawa ko na lang ay talagang focus at ginalingan ko na lang.

"Pero si Coco, supportive talaga siya at kung minsan ay tinuturuan pa niya ako. Kunwari may eksena kaming confrontation, tinuturuan niya ako ng mga styles, like sa mata ko raw, ganoon.

"Kaya gustong-gusto ko siya talagang kasama sa set, sobrang bait niya."

Nanghihinayang ba siya sa biglang pagkawala ng karakter ni Andi dahil sa pagbubuntis nito?

"Nagulat ako at siyempre ay nanghihiyang din, pero alam ko naman na magaling na aktres iyang si Andi. So, after niyang manganak, I'm sure andiyan ulit iyan, babalik ulit iyan sa showbiz.

"'Tsaka the fact na nakikita ko namang masaya siya sa taping at hindi naman yung gaya ng iniisip ng iba na depressed dahil nga nabuntis at nawawalan ng career. Hindi ganoon, e, sobrang masaya talaga siya."

Habang nagte-taping ba kayo, bago pumutok sa media ang pagbubuntis ni Andi, nahalata ba ito sa set?

"That day na ni-release na buntis si Andi, that day din nalaman ng cast. Pero siyempre, alam na ni Coco, at ako, medyo natutunugan ko na. Kasi, parang sumisikip iyong belt ni Andi, yung pants, at saka makikita mo na maingat na siya at hindi na nagyo-yosi.

"So, naisip ko lang na baka nga, naisip ko lang. Pero naisip ko rin na baka tumaba lang or ano."

Bakit si Coco alam nang buntis si Andi bago pumutok sa media, close na close ba sila ni Andi?

"Oo, close sila, sobrang close sila," ang maikling pahayag ng actor.

After ba ng project, nagkikita pa rin sila nina Coco at Andi?

"'Pag natityempo lang sa ABS, busy kasi si Coco at buntis si Andi, so, walang time. Pero kung di sila busy I'm sure may bonding pa rin kami."

THE JOHN LLOYD. Naikuwento rin ni Martin ang mga susunod niyang projects sa telebisyon at pelikula.

"May movie akong gagawin sa Star Cinema. Maganda yung character ko rito at early next year ang labas po nito.

"Sa TV naman, around October yata 'yung bagong TV series na mapapanood ako.

"Lead actor na ako rito, hindi naman siya heavy drama talaga like Minsan Lang Kita Iibigin, light lang siya. About love, ganoon...at saka medyo sexy ito.

Saad pa ng Business Administration student sa UP Diliman, "Kilala ko na yung partner ko rito, pero hindi ko pa po puwedeng sabihin dahil sobrang confidential talaga."

Drama ba ang kanyang magiging forte?

"Ang dami ko nang nagawang role, like autistic, ni-rape ng tatay, drug addict, gay role, mga ganoon...Okay lang naman po na malinya ako sa drama.

May mga nagsasabing puwede siyang maging next John Lloyd Cruz, na isa sa mga sought-after movie actor ng kanyang panahon.

"Kapag may nagsasabi po niyan, nakaka-flatter po. Hindi pa naman ako sikat pero kino-compare sa malakaking artista, kaya nakakataba po ng puso, nakaka-flatter talaga.

"Siyempre, di ba nakaka-inspire ang ganoon? So, kapag ganoon, mas gagalingan ko pa at ibibigay ko ang best ko."

Kung papipiliin siya, sinong gusto niyang sundan ang yapak, si John Lloyd o Piolo Pascual?

"Naku, dapat maingat ako sa sagot ko," ang natatawang niyang sagot. "Pero, si John Lloyd kasi, in terms of mga projects na ibinigay kay Lloydie, mas gusto ko iyong ganoon.

"Kasi pag tinatanong iyong ibang babae, 'Sino ang crush mo,' parang general na iyong sagot ay si Piolo.

"Kaya lang, idol ko talaga si John Lloyd, magaling siyang umarte, e. Of course magaling din si Piolo, pero idol ko lang talaga si John Lloyd."
Paano kung pagtaasan siya ng kilay ng fans ni Piolo dahil sa comment niyang ito?

"E, opinion ko po iyon at wala naman akong masamang sinabi kay Piolo. I'm sure na maraming tao na gusto si Piolo, yun nga lang, nagkataon na sa akin ay mas idol ko si John Lloyd," pagtatapos na ni Martin.


SOURCE: http://www.pep.ph/news/30822/martin-del-rosario-wants-to-follow-in-the-footsteps-of-john-lloyd-cruz/1/1

albino albino albino albino albino albino
Back to top Go down
View user profile http://martinatics.omgforum.net
 
Martin del Rosario says he will be working on a TV project that will cast him as the male lead. It's a "light" drama.
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MARTINATICS OFFICIAL FORUM :: ITS ALL ABOUT MARTIN DEL ROSARIO :">-
Jump to: