MARTINATICS OFFICIAL FORUM
MARTINATICS OFFICIAL FORUM

Simply Captivated Martinatics OFFICIAL fansclub is a group for SOLID supporters of Martin del Rosario.
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration

Go down 
AuthorMessage
ADMIN
Admin
avatar

Posts : 104
Points : 341
Reputation : 1
Join date : 2010-07-12
Age : 26

PostSubject: Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration   Mon Nov 07, 2011 11:18 pm

Patuloy pa rin ang pagtanggap ni Martin del Rosario ng mga pagbati dahil sa pagkapanalo niya ng Breakthrough Performance by an Actor sa katatapos lamang na 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society o Enpress.

Nanalo si Martin para sa pagganap niya sa indie film na Dagim.

Naka-tie niya sa kategoryang ito ang model-actor na si Rocky Salumbides para sa Tarima.

Sa ginanap na press conference kahapon, Abril 5, para sa endorsement niyang BNY Jeans, lubos pa rin ang pasasalamat ng 18-year-old actor sa natamong pagkilala sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

"Tuwang-tuwa ako kasi first time ko 'yon na-receive. Unang acting award sa buhay ko 'yon!" nakangiting sambit ni Martin.

Sabi pa niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sulit ang kanyang paghihirap sa paggawa ng independent movie na Dagim, na naging isa sa mga naging finalists sa CinemaOne originals noong nakaraang taon.

"Feeling ko deserving din naman ako sa award na ibinigay sa akin kasi ibinigay ko talaga ang best ko," pahayag ni Martin.

"Noong ginawa ko 'yon, mahirap talaga 'yon. Parang seven days ako nasa Bataan, na every day nakikita ko bundok, puro putik palagi ang katawan ko, feeling ko ang dumi-dumi ko, 'tapos mahirap ang mga eksena.

"Pero parang nawala lahat ng hirap noong nalaman ko na nanalo ako ng Best Breakthrough Performance as an Actor.

"Parang nakaka-inspire na ipagpatuloy, pagbutihan pa 'yong mga ginagawa kong project."

Sa halip na kabahan sa mga susunod pang trabaho dahil sa nakuhang award, mas nagiging inspirasyon pa raw ito upang paghusayin pa ang kanyang kakayahan bilang aktor.

Para kay Martin, "Siguro hindi ito pressure, but more on to inspire. As of now, medyo fresh pa 'yong award na 'yon, puro congratulations pa lang ang natatanggap ko.

"Wala pang 'dapat i-maintain,' wala pang gano'n sa utak ko. Pero more than pressure, it's an inspiration talaga."

Kahit pa nabigyang pansin na ang kanyang mga ginagawa bilang aktor, hindi naman iniisip ni Martin na sikat na siyang artista.

Sabi ng binatang aktor, "Ayaw ko naman talaga maging showbiz na tao. Kahit na artista na ako, mine-make sure ko na hindi ko talaga nilalagay sa utak ko na, 'Wow, star ako.' Hindi talaga ako gano'ng tao."

WORK AND STUDY. Bagamat abala ngayon si Martin sa kanyang mga TV projects, tulad ng primetime TV series na Minsan Lang Kita Iibigin, hindi raw ito nagiging sagabal sa kanyang pag-aaral.

Incoming sophomore Business Administration student si Martin sa University of the Philippines-Diliman.

Aminado ang binatang artista na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Gayunman, ginagawan niya ito ng paraan upang maiwasan ang sobrang pagod na dulot nito.

Kuwento pa niya, "Kahit na pagod na pagod, wala akong magagawa.

"Sina Mama pa, kunwari kahit makita na nilang hinang-hina ako, 'Pasok ka sa school.'
"Kasi ang first class ko 8:30 ng umaga, e, ang taping natatapos ng 7:00 ng umaga.

"Diretso ako, 'tapos matatapos ang school ko 4 p.m. na. Parang nalilipasan na lang ako ng tulog."

Hangga't maari, iniiwasan ni Martin na huminto muna sa pag-aaral upang maibigay ang kanyang buong atensiyon sa pag-arte.

Aniya, "Basta ayaw ko totally na mawala 'yong school.

"Kasi, sabi ng ibang artista, nakakabobo raw kapag hindi ka na bumalik, tatamarin ka.

"So, ako, kahit eight years pa akong nasa UP, basta masasabi kong nag-aaral ako."

SOURCE: http://www.pep.ph/news/28969/martin-del-rosario-regards-his-first-acting-award-as-an-inspiration/1/1


cheers cheers cheers cheers cheers cheers cheers
Back to top Go down
View user profile http://martinatics.omgforum.net
vhil_ganda

avatar

Posts : 4
Points : 4
Reputation : 0
Join date : 2011-12-10
Age : 33
Location : The OC, Philippines

PostSubject: Re: Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration   Sat Dec 10, 2011 1:44 am

that's the reason why I like him, aside that he really knows his craft and he knows his priorities regarding the future cherry
Back to top Go down
View user profile http://twitter.com/rovheel
AkoSiApz

avatar

Posts : 19
Points : 26
Reputation : 0
Join date : 2011-11-04
Age : 24
Location : Calamba

PostSubject: Re: Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration   Sun Dec 18, 2011 5:51 am

Martin is super down to Earth and what I like about him the most is that pina-prioritize nya yung studies nya. Smile Keep it up Mart! Very Happy cheers cheers cheers
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration   

Back to top Go down
 
Martin del Rosario regards his first acting award as an inspiration
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MARTINATICS OFFICIAL FORUM :: ITS ALL ABOUT MARTIN DEL ROSARIO :">-
Jump to: