MARTINATICS OFFICIAL FORUM
MARTINATICS OFFICIAL FORUM

Simply Captivated Martinatics OFFICIAL fansclub is a group for SOLID supporters of Martin del Rosario.
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Martin del Rosario apologizes to Andi Eigenmann for taping mishap

Go down 
AuthorMessage
ADMIN
Admin
avatar

Posts : 104
Points : 341
Reputation : 1
Join date : 2010-07-12
Age : 26

PostSubject: Martin del Rosario apologizes to Andi Eigenmann for taping mishap   Mon Nov 07, 2011 11:29 pm

Unang nai-report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nangyaring aksidente sa taping ng ABS-CBN primetime series na Minsan Lang Kita Ibigin noong Biyernes, March 18, kunsaan aksidenteng tinamaan sa kanyang dibdib si Andi Eigenmann ng isang blank bullet. (CLICK HERE to read related story.)

Ang "nakabaril" kay Andi ay ang kanyang co-star sa serye na si Martin del Rosario.

Ikinuwento ni Martin sa taped interview sa kanya ng The Buzz ang aksidenteng nangyari sa taping.

"Yung baril, nakadikit, naipit sa aming dalawa. E, minsan, kapag sa eksena na, kapag intense ang acting, tapos naipit pa, minsan hindi mo mako-control.

"All of a sudden, biglang may putok na lang na narinig. Noong una, hindi ko alam kung saan nanggaling, tapos nakita ko na lang ang reaction ni Andi na may pain. Nataranta lahat. Siyempre, bukas ang jacket, bukas ang shirt.

"Hindi ko rin iniisip na mapuputok ko yun, nakadikit pa kay Andi. Pero yun nga, nangyari ang hindi ko gustong mangyari, na pag gano'n ko, pak, pumutok! Tapos, diretso agad sa gilid ni Andi.

"Pero blank bullet naman yun. Pero still, lalo na kapag malapit, may explosion yun, e. Hindi ko talaga sinasadya. Wala namang may gustong mangyari yung ganoong insidente lalo na sa set," lahad ni Martin.

Mabilis naman daw naisugod ng staff ng show at ni Maja Salvador si Andi sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City. Doon na nga napag-alaman na nagtamo ng second-degree burn ang anak ng aktres na si Jaclyn Jose.

Noong Sabado, March 19, ay pinuntahan ng The Buzz si Andi sa bahay nito sa Quezon City kunsaan siya kasalukuyan pa ring nagpapagaling.

Kuwento naman ni Andi sa pangyayari, "Si Martin, kasama ko do'n. Sinabihan niya ako na parang yuyuko kami sa ground. Para siguro maka-block sa mga bullets. Siguro natapik niya yung... na-pull niya yung trigger, tumama sa akin.

"Pero sideways. It is a blank bullet, aapoy lang siya. Sasabog lang. Tapos, ayun, yung dito ko, nasunog. I freaked out kasi, una, okay lang ako, and then, 'What happened?' Kasi, ang sakit e.

"Tapos, naramdaman ko, pero biglaan. Hindi ako masyadong nag-react kasi nasa eksena kami. Hanggang sa tumayo na ako, iyak na ako nang iyak. Hindi ko nakikita ang sugat, pero nakita ko yung dugo at saka yung butas ng damit ko. Baril yun, so, di ba, natakot ako."

Ayon kay Andi, wala naman daw may gustong mangyari ang aksidenteng naganap.

"I guess it happened. Accident. Aksidente naman po ang nangyari. By now, it's a wound and eventually mawawala rin naman siya, it will heal," sabi niya.

Nag-sorry naman daw agad si Martin kay Andi.

"Nag-text naman ako sa kanya, nag-sorry," sabi ni Martin. "Sinabi ko sa kanya na hindi ko naman ginustong mangyari yun, aksidente lang talaga. Okay naman, nag-reply naman siya na okay lang, aksidente lang naman."

Pinatotohanan din ni Andi ang sinabi ni Martin.

Aniya, "Martin is a good friend. Aksidente lang naman talaga what happened. Siyempre, I was freaking out, baka akala niya nagalit ako. "

Nagpapasalamat naman si Andi sa production staff and crew ng serye nila na hindi raw siya pinabayaan.

"Yung production staff at crew po namin, sobrang love na love ko nga sila. Kasi, hindi naman nila ako yung pababayaan lang. Siyempre, iniisip din nila ang welfare mo. They understood din," sabi niya.

OFFICIAL STATEMENT. Kaugnay ng nangyaring insidente, isang official statement ang ipinadala ng Minsan Lang Kita Iibigin sa pamamagitan ng kanilang direktor na si Daniel Joy Villaflor sa The Buzz.

Narito ang kabuuan ng kanilang statement:

"What happened to Martin del Rosario and Andi Eigenmann on the set of Minsan Lang Kitang Iibigin was purely an accident. Our actors are aware of the risks involved when doing action sequences on the set. Their safety is always our priority.

"Andi has already been treated for minor injury while Martin has apologized to Andi for the mishap. Both of them will resume taping next week."


"Nag-text naman ako sa kanya, nag-sorry [ako]. Sinabi ko sa kanya na hindi ko naman ginustong mangyari yun, aksidente lang talaga. Okay naman, nag-reply naman siya na okay lang, aksidente lang naman," says Martin del Rosario (inset) about accidentally pulling the trigger of a prop gun which fired a blank bullet and burned Andi Eigenmann (main photo) on the chest during their taping for Minsan Lang Kita Iibigin.



SOURCE: http://www.pep.ph/news/28772/martin-del-rosario-apologizes-to-andi-eigenmann-for-taping-mishap


Smile Smile Smile Smile Smile Smile Smile
Back to top Go down
View user profile http://martinatics.omgforum.net
 
Martin del Rosario apologizes to Andi Eigenmann for taping mishap
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MARTINATICS OFFICIAL FORUM :: ITS ALL ABOUT MARTIN DEL ROSARIO :">-
Jump to: