MARTINATICS OFFICIAL FORUM
MARTINATICS OFFICIAL FORUM

Simply Captivated Martinatics OFFICIAL fansclub is a group for SOLID supporters of Martin del Rosario.
 
HomeHome  PortalPortal  CalendarCalendar  GalleryGallery  FAQFAQ  SearchSearch  MemberlistMemberlist  UsergroupsUsergroups  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."

Go down 
AuthorMessage
ADMIN
Admin
avatar

Posts : 104
Points : 341
Reputation : 1
Join date : 2010-07-12
Age : 26

PostSubject: Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."   Sat Nov 19, 2011 6:48 pm

Itinuturing ni Martin del Rosario na magandang regalo para sa kanyang nalalapit na 19th birthday sa Nobyembre 25 ang nalalapit na showing ng Star Cinema at Viva Films movie na kinabibilangan niya, ang Won't Last A Day Without You, na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 30.

"Oo nga e, tamang-tama sa birthday ko. Kaya wish ko na sana tangkilikin ng mga tao at kumita ang movie namin.

"Wish ko rin for my birthday na sana more projects to come and sana matapos ko yung schooling ko.

"Continue lang kung ano yung meron ako. Kasi ako, happy naman ako dahil magaganda naman yung projects na napupunta sa akin.

"Sana lagi lang ganito na wala namang malaking problemang dumarating," sabi ni Martin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa presscon ng Won't Last A Day Without You na ginanap Sabado ng hapon, November 19, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

GERALD'S BEST FRIEND. Pinagbibidahan nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ang bagong pelikula bilang sina DJ Heidee at Andrew, respectively.

Ginagampanan naman ni Martin ang role bilang isa mga kabarkada ni Gerald.

"Ako po yung medyo seryosong kaibigan ni Gerald.

"In a way, tagapagtanggol din po ako ni Gerald dito and sa akin nanggagaling yung mga smart advice pagdating sa love kasi meron akong girlfriend dito—si Marlann Flores, who is Gerald's best friend also.

"Kaming barkada ang role namin is to support Gerald and [to] give him advice."

Ayon kay Martin, wala raw kahirap-hirap gumanap bilang matalik na kaibigan si Gerald, dahil in real life daw ay magkaibigan talaga sila bukod pa sa pagiging magkapatid sa manager nilang si Jun Reyes.

Hindi ba nagkaroon ng competisyon sa kanila ni Gerald?

"Ay hindi po, hindi talaga.

"Kahit noong wala pa akong shows at nag-start pa lang akong mag-artista sobrang bait na ni Gerald.

"Binabati niya ako lagi. Talagang tinutulungan niya pa ako. Close naman kami kahit noon pa.

"Mas naging close pa kami dahil nga rito sa movie. Madalas kaming nag-uusap. Walang rivalry at all sa aming dalawa."

Dahil nga mas naunang pumasok sa showbiz si Gerald, madalas daw siyang bigyan ng payo nito sa career niya.

"Lagi niyang sinasabi na, 'Galingan mo. Darating din ang big break mo.'

"Very encouraging naman po ang ina-advice niya sa akin.
Hindi ba siya naiinggit kay Gerald na mas marami itong projects at puro bida na ang mga papel nito ngayon?

"Ako, hindi ako nagku-compare ng sarili ko sa ibang artista. Hindi rin ako nagmamadali sa career ko.

"Kung may dumating na project, well and good. Okay lang naman kasi nga nag-aaral pa rin ako ngayon.

"Desidido rin po akong tapusin ang pag-aaral ko."

Pinangarap din ba niya na marating ang estado ng career ni Gerald sa showbiz ngayon?

"Opo naman, sino ba ang ayaw na maging successful katulad niya? Nakita ko po kasi yung development niya since PBB (Pinoy Big Brother) pa lang and now.

"Di ba dati hirap siyang mag-Tagalog, ngayon magaling na siyang mag-Tagalog.

"Makikita mo yung acting niya sa Budoy, gumaling talaga siya. Ako, idol ko na rin siya."

Pangarap ba niyang maging leading lady si Sarah?

"Oo naman po. Nakikita ko po kasi si Sarah na mabuti yung ugali niya.

"Pag nagsasalita siya, yung breeding niya at values niya very intact talaga."

Bukod kina Sarah, Gerald at Martin, kasama rin sa cast ng Won't Last A Day Without You sina Joey de Leon, John Lapus, Megan Young, Nina Dolino, Marlann Flores, Cheska Ortega, Young JV, Lui Villaruz, Jommy Teotico at Yam Concepcion.

Sa direksyon ito ni Raz dela Torre.

2011 IS A FRUITFUL YEAR. Sa apat na taon ni Martin sa showbiz, ang 2011 nga ang maituturing niyang pinaka-fruitful sa lahat kung pag-uusapan ang mga biyayang dumating sa kanyang career.

Ngayong taon kasi dumating ang biggest breaks niya sa telebisyon at pelikula.

Marami nga ang pumuri sa magaling na pagganap niya bilang military man na si Norberto Matias sa natapos na teleserye ng ABS-CBN, ang Minsan Lang Kitang Iibigin.

Kasama niya rito sina Coco Martin, Andi Eigenmann, Maja Salvador, Lorna Tolentino, John Estrada, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Ronaldo Valdez at Boots Anson-Roa.

Natatanging pagganap din ang ipinamalas ni Martin sa ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya.

Pagdating naman sa pelikula, dalawang awards ang nakuha niya ngayong taon para sa pinagbidahan niyang indie film, ang Dagim.

Nanalo siya ng Breakthrough Performance by An Actor sa 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) at New Movie Actor of the Year sa 27th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ilan pang pelikulang nagawa na niya ay ang Till My Heartaches End, The Adventures of Pureza: Queen of the Riles at ito ngang Won't Last A Day Without You.

Ano pa ang gusto niyang gampanang papel sa pelikula?

"Siguro yung magkaroon ng love interest. Kasi lahat ng extreme roles nagawa ko na, yung mga gay role, addict.

"Yung huli ko yung ginirlfriend yung kabit ng tatay. Madami na rin akong nagawa na kadalasan sa MMK.

"Kadalasan puro drama po, e. Gusto ko namang subukan yung magkaroon ng love interest like sa isang romantic-comedy movie, yun po."

Sino namang artista ang gusto niyang maging kapareha?

"Si Julia [Montes] or si Jessy [Mendiola]."

WORKING WITH VILMA. Pero ang mas ipinagmamalaki nga ni Martin ngayon ay ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Star Cinema para makatrabaho sa isang pelikula ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto.

The Healing ang working title ng horror movie nila kung saan kasama rin sa cast si Kim Chiu.

Anak ni Vilma ang papel na ginagampanan ni Martin.

Nakapag-first shooting day na raw sila at kaeksena niya kaagad si Ate Vi.

Ano naman ang pakiramdam na makatrabaho ang Star for All Seasons?

"Natakot po ako nung una kasi kaeksena ko agad si Ms. Vilma.

"Tapos may eksena po kami na hihilahin ko siya. Horror po kasi yung ginagawa namin e."

Ipinagmamalaki ba niya na kasama niya si Ate Vi sa pelikula?

"Very proud kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma.

"Ang alam ko po kasi matagal na rin siyang hindi gumagawa ng movie. Ngayon na lang po siya yata gumawa ulit.

"Tapos kasama pa ako. Bumilib po talaga ako sa kanya. Magaling po siyang umarte."

Nakakausap ba niya si Ate Vi sa set?

"Opo, napakabait po niya. Ang dami rin po naming pinagkukuwentuhan e.

"Nagbibigay din po siya ng advice sa acting. One time nga nag-sorry ako sa kanya kasi hahatakin ko siya sa hagdan.

"Sabi niya, 'Hindi, okay lang. Dapat nga ganyan e.'"

Sa susunod na taon pa raw maipapalabas ang pelikulang ito.

SOURCE: http://www.pep.ph/news/31992/martin-del-rosario-proud-to-work-with-vilma-santos-in-horror-film-kasi-bihira-namang-makatrabaho-ng-mga-artista-si-ms-vilma/1/4

Smile Smile Smile Smile Smile Smile Smile Smile
Back to top Go down
View user profile http://martinatics.omgforum.net
wendeey

avatar

Posts : 5
Points : 5
Reputation : 0
Join date : 2011-11-08
Age : 24
Location : Philippines

PostSubject: Re: Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."   Mon Nov 21, 2011 3:43 am

Its a blessing for Martin. Suportahan natin yan. Smile
Back to top Go down
View user profile
ADMIN
Admin
avatar

Posts : 104
Points : 341
Reputation : 1
Join date : 2010-07-12
Age : 26

PostSubject: Re: Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."   Tue Nov 22, 2011 2:59 am

wendeey wrote:
Its a blessing for Martin. Suportahan natin yan. Smile


Yeahright, Wendy. SmileSmileSmile
Back to top Go down
View user profile http://martinatics.omgforum.net
Sponsored content




PostSubject: Re: Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."   

Back to top Go down
 
Martin del Rosario proud to work with Vilma Santos in horror film: "Kasi bihira namang makatrabaho ng mga artista si Ms. Vilma."
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» release dates. how do they work (for the wii)
» Can't log in on firefox browser
» Laney's Loft - Work Required
» Leech and Hurricane Hordak revealed
» Conspiracies 2 ??

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
MARTINATICS OFFICIAL FORUM :: ITS ALL ABOUT MARTIN DEL ROSARIO :">-
Jump to: